Pharma giants na Sanofi, GSK tinatrabaho na ang COVID-19 vaccine para sa 2021

0
19

Dalawang malalaking pharmaceutical company ang magsasanib-pwersa para trabahuhin ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.

Umaasa ang Sanofi at GlaxoSmithKline (GSK) na makapapasa ang kanilang gagawin sa clinical trials ngayong taon upang magamit na ito sa ikalawang bahagi ng 2021.

Target ng dalawang pharma giants na makabuo ng bakuna na mayroong Sanofi-developed antigen na magpo-produce ng antibodies at GSK’s adjuvant technology na isang substance na magbu-boost ng immune system.

Naniniwala ang Sanofi at GSK na sa ganitong klaseng krisis na hinaharap ng buong mundo, mas makabubuti na magtulungan ang mga kumpanya para makabuo ng solusyon laban sa COVID-19.