Monday, May 13, 2024

PDEA nais makita ang resulta ng drug test ng dalawang TV networks

- Advertisement -

Nais makita ni PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino ang resulta ng isinagawang drug test ng dalawang malaking TV network sa bansa.

Ito ay kaugnay ng pagkakabilang ng 31 artista sa drug watch list ng PDEA.

Batay sa inilabas na pahayag ni ABS-CBN Corporate Communications Head Kane Errol Choa, mahigpit ang patakaran nila sa mga empleyado at third party contractors na sumailalim sa random drug tests.

Aniya, nakasaad sa mga kontrata ng mga ito na bahagi ng kanilang obligasyon sa kumpanya ang pagsailalim sa nasabing testing.

Kasabay nito, tiniyak rin naman ng GMA 7 na nagpapatupad sila ng drug free policy.

Samantala, bagaman aminado si Aquino na kapuri-puri ang naging hakbang na ito ng dalawang TV networks, ay binigyang diin pa rin nito na dapat masuri pa rin ng PDEA ang resulta ng nasabing drug tests.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -