Sunday, April 28, 2024

Pagbawas sa alokasyon ng tubig hindi makakaapekto sa sektor ng agrikultura — NWRB

- Advertisement -

Nilinaw ng NWRB o National Water Resources Board na hindi maka-a-apekto sa sektor ng agrikultura ang ginawang pagbawas sa alokasyon ng tubig para sa irigasyon sa Metro Manila at Central Luzon.

Ito ang naging pagtitiyak ni NWRB Executive Dir. Sevillo David, matapos nilang ibaba sa 35 cubic meters per second ang nasabing alokasyon ng tubig mula sa dating 42 cubic meters per second.

Aniya, ang hakbang na ito ay upang matiyak na sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila, dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Kasabay nito, tiniyak rin naman ni David na aprubado ng National Irrigation Authority ang nasabing pagbawas ng suplay ng tubig.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -