Tuesday, April 30, 2024

PDEA-CAR binigyan ng parangal ang kanilang gawaing maganda ng PNP Cordillera

- Advertisement -

(Baguio City – Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet) Tinanggap ni PDEA-CAR Regional Director Julius M. Paderes ang appreciation award na binigay ng PNP Regional Office Cordillera sa pagdiririwang ng ika 29th National Crime Prevention Week na ginanap sa Log Cabin PROCOR, Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet nitong lunes Septiyembre a 11 ng taong ito. Ang nasabing parangal ay isang pagkilala sa hindi kailangaan maiwaksi gawain sa pagsasagawa nito ng sabay sabay na malawakang kampanya ng pagpuksa sa ipinagbabawal na pananim na Marijuana sa probinsiya ng Kalinga noong hulyo ng taong ito.

Sinabi ni PDEA -CAR Regional Director Paderes na ang parangal ay naghahatid ng malakas na mensahe sa publiko tungkol sa magandang ugnayan sa pagitan ng PDEA-CAR at ng PRO-COR. Kanyang idinagdag na ang PDEA bilang pangunahing ahensiya laban sa illegal na druga , kung walang suporta mula sa ibang ahensiya ng kapulisan sa Cordillera region, ang laban na ito ay hindi magtatagumpay.

Ang naturang parangal ay ang ikatlong pagkilala na tinanggap ng pamunuan ng PDEA-CAR sa mga katuwang nito simula nang umupo si Director Paderes bilang Regional Director nito noong Enero ng taong ito. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jim Bernabe)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img