PCG naka alerto sa lahat ng pantalan sa bansa kaugnay ng NCov

0
15

Itinaas na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang hightened alert sa lahat ng pantalan sa bansa upang maiwasan ang pagpasok ng novel coronavirus 2019.

Ayon kay PCG Chief Admiral Joel Garcia, nakikipagtulungan na sila sa Bureau of Quarantine para sa pagsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng foreign vessels na papasok sa bansa.

Aniya, sa ngayon ay naka alert na rin ang lahat ng Port State Control Officers para masiguro ang maritime safety and security efforts sa kanilang mga nasasakupan.

Magugunitang unang nadetect ang NCov sa Wuhan City sa China noong Disyembre 2019.