PCA maglalabas ng pondo para ayudahan ang mga coconut farmers na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal

0
26

Magbibigay ng P1.9-M ayuda ang Philippine Coconut Authority para sa mga coconut farmers na naapektuhan ng ash fall ng Bulkang Taal.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, may ipamimigay na ring 150,000 binhi mula sa coconut seedlings dispersal project at agricultural grade salt fertilizer upang mabilis na maibalik ang mga nasirang kahoy.

Aniya, nakikipagtulungan narin ang sektor ng agrikultura sa agribusiness and marketing service para sa livestock operation center sa southern tagalog integrated agricultural research center sa Lipa City, Batangas.

Samantala, maglalaan rin ng sasakyan ang ahensya upang matulungan ang mga naglilikas ng mga hayop sa isla ng Bulkang Taal.