Radio Philippines Network
Headlines National News

Patuloy na pagdami ng sasakyan dahilan ng matinding trapiko sa EDSA — MMDA traffic czar

Isinisi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa patuloy na pagdami ng sasakyan ang tumitinding bigat ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Ito’y ayon mismo kay EDSA traffic czar Bong Nebrija, kung saan sinabi nito na kasing tindi na ng traffic tuwing “ber” months ang nararasan ngayon na daloy ng trapiko sa EDSA.

Ayon kay Nebrija, walang bago sa mga ipinatutupad nilang polisiya dahil matagal o ‘existing’ na ang kanilang yellow lane policy.

Wala naman po kaming bagong ginawa, ‘yung sinasabi po nilang yellow lane, matagal na po naming ginagawa ‘yan. So, siguro nanibago sila kasi sobrang dami ng volume, e. So, we haven’t reached the ‘ebr’ months pero nararamdaman na natin ‘yung influx nung additional vehicles dito sa Metro Manila, ‘yan lang po ‘yon. Dahil sa totoo lang, inaayos nga namin, e, kasi ‘yung mga buses lane they’re not supposed to be on any other lanes of EDSA kasi, ano po ‘yan, nahaharangan po nila, ‘yan na po ‘yung mga pinapakita ko sa Facebook ko na if we will allow them to take third, fourth, or fifth, they will literally blocked the whole EDSA. E, ngayon, nung inaayos natin, marami kasi, e, nagmamagaling,” ani Nebrija.

Habang nanindigan rin naman si Nebrija na hindi nag-eeksperimento ang MMDA dahil dumaan sa masusing pag-aaral ang lahat ng polisiyang kanilang ipinatutupad.

Kasabay nito, pinabulaanan rin naman ni Nebrija ang mga batikos na mas pinapaboran ng MMDA ang kapakanan ng mga private vehicles.

Aniya, sa katunayan ay ginagawa ng MMDA ang lahat upang tuluyan nang masolusyunan ang bigay ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Samantala, nanawagan rin naman si Nebrija sa mga bumabatikos sa kanila na makipagtulungan na lamang upang maayos na ang naturang problema.

Have been there for the longest period of time, it has been decades. Hindi naman po nagbago ang EDSA, nagbago po ba? Lumuwag ba? Hindi naman po, pero every month, halos 10,000 nadadagdag na bagong sasakyan. This is very alarming, if there is anything good that happened in the past two weeks is that, nabuksan ‘yung mga mata natin, nabuksan ‘yung mata ng mga kababayan natin, naging concern tayo, nabuksan ‘yung pagdinig sa senado. I just hope that there is something good that will come out. ‘Yung mga polisiya namin it has been there, kung responsive ba ‘yan, well I do not know, kasi in a sense na we’re coming up with new policy of volume reduction pero hindi po natutuloy, no. Sabi ko naman, minimize your expectations with what we have right now,” ani Nebrija.

Sapol Interview

Related posts

Panibagong draft ng SOT bill isinumite na ng DOLE sa Malacañang

Powered by DWIZ

Albayalde napikon nang tanungin kung maituturing bang pulitika ang pagprisinta nila kay Bikoy

Powered by DWIZ

Isang paaralan sa Laguna nagsuspinde ng pasok dahil sa bomb threat

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More