Pagkakaroon ng ‘all gender toilets’ isinusulong sa QC

Pagkakaroon ng ‘all gender toilets’ isinusulong sa QC

by Powered by DWIZ
118 views

Isinusulong ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagtatayo ng mga ‘all gender toilets’ sa lahat ng mga establisyemento sa kanilang lungsod.

Ito, ayon kay Belmonte, ay matapos ang insidente ng umano’y diskriminasyon ng isang janitress ng Farmers Mall-Cubao sa transgender woman na si Gretchen Diez.

Ayon sa alkalde, maaari aniya itong ilagay sa ikatlo, ika-apat o ika-limang palapag ng mga establisyemento kung saan, kakaunti lamang ang gumagamit nito.

Kasabay nito, mariing kinondena ni Belmonte ang nangyari kay Diez lalo’t may umiiral na ordinansa sa kanilang lungsod na nagtataguyod ng pantay na pagtingin sa lahat ng kasarian.

0 comment

Related Posts