Baguio City – Sinabi ng City Health Services Office (CHSO) Mental Health Unit ang kamalayan ng publiko sa problemang pangkaisipan ang nakadagdag sa pagtaas ng pagiging pasyente na humihingi ng tulong sa mga dalubhasa. Ito ang inihayag ni CHSO Mental Health Unit coordinator Ricky Ducas.
Sinabi ni Ducas na ang pagtaas ng bilang ng mga taong humihingi ng tulong sa mga dalubhasa ay hindi dapat ikaalarma. Anya ito lamang ay nagpapakita na sila ay ganap ang kanilang kamalayan sa paghanap ng lunas sa kanilang problema.
Samantala, pinayuhan ni Ginoong Ducas ang mga taong may kinakaharap na isyung pangmental na kalusugan na bumisita sa pinakamalapit na yunit upang matignan at malaman ang kanilang situasyon at mabigyan sila ng kinakailangang lunas upang sa ganon ay makayanan nila ito at ipagpatuloy ang kanilang normal na buhay tulad ng pagtatrabaho sa kani kanilang ginagalawan.
Si Ducas, na kinilala bilang isa sa Outstanding Citizens of Baguio dahil sa kanyang adbokasiya sa kalusugang pangkaisipan, na kanyang ipinaliwanag na ang mga tao ay dapat hindi mabahala sa pagtaas ng problema hingil sa kalusugang pangkaisipan sa mga taga Baguio, Ito anya ay nagpapakita na ang mga tao ay kamalayan tungkol sa kung paano ito malulunasan ng mga dalubhasa ang kanilang mga problema. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)
