35.4 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Parada at pagbukas ng Panagbenga 2023 sa siudad ng Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Maraming estudyante mula Baguio lalo na yong sumali sa “drum and lyre competitions” ang natutuwa sa selebrasyon ng Panagbenga ngayong taon matapos ang pagkasuspinde ng naturang selebrasyon ng dalawang taon dahil sa pandemya.

Ayon sa kay Jhanelle Atin-an at Almira Kate Bojo mula Lucban Elementary School, natutuwa sila sa pagsali nila sa parade ng Panagbenga dahil sa simula’t simula pa ay nakikisali na sila.

Sinabi nila Clydee Jill Pingangay at Kyla Zoe Dawadao mula sa Baguio Central Elementary Schools, kaagad silang nag ensayo nang maimbitahan ang kanilang paaralan na sumali sa parade at kompetisyon ng Panagbenga.

Natutuwa din ang mga magulang nila na Cecile Atin-an, Arlyn Bojo at Joan Dawadao sa pagpapatuloy ng nasabing festival ngayong taon dahil sa makakatulong ito sa pag alis ng negatibong epekto ng pandemya sa kanilang mga anak.

Idinagdag nila na naging kaligayahan ng mga anak nila ang nasabing festival dahil sa maraming gawain o aktibidad na maari nilang salihan.

Kanilang idinagdag na kung anuman ang resulta ng sinalihan ng kanilang mga anak sa araw na iyon ay tatanggapin nila, mas mainam na anya at nakasali sila bilang bahagi ng selebrasyon ngayong taon.

Kasama sa mga sumali sa nasabing selebrasyon ang Lucban Elementary School, Baguio Elementary School, Josefa Cariño Elementary School, Tuba High School ken Pinsao National High School.

Samantalang sa kolehiyo, ang tanging sumali ay ang Easter College lang. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Baguio PIO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -