28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Panukalang BBL lusot na sa Bicam

- Advertisement -

Lusot na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Napagtibay ito sa Bicam matapos ang anim na araw na mga pagpupupulong upang mapagkasunduan ang ilang probisyon na nakapaloob sa nasabing panukala.

Tumutok din sa pagtalakay ang mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission at liderato ng Moro Islamic Liberation Front.

Inaasahang raratipikahan na ng Senado at Kamara ang final committee report sa Lunes, Hulyo 23 bago ang pagbubukas ng ikatlong sesyon ng 17th Congress.

Posibleng mapirmahan na ang final draft ng Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyang maging batas ilang oras lamang bago ang nakatakdang State of the Nation Address o SONA sa Lunes, Hulyo 23.

Kapag tuluyang naisabatas, tatawagin na itong An Act Providing for the Organic Law for the Bangsamoro in the Autonomous Region in Muslim Mindanao.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -