Panibagong roll back sa presyo ng petrolyo nakaambang muli

0
49

Nakaambang muli ang panibagong roll back sa presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-anim na sunod na linggo.

Batay kasi sa tatlong araw na trading sa world market, mahigit piso na ang ibinaba ng presyo ng imported na gasolina habang mahigit sitenta sentimos naman sa diesel.

Gayunman, ayon sa mga eksperto posible pa rin itong magbago depende sa magiging resulta ng trading ngayong araw.

Sa limang sunod na pagpapatupad ng oil price roll back, umabot na sa P7 ang naging tapiyas sa kada litro ng gasolina at mahigit P5 naman sa diesel.