Pangulong Duterte nagpa-check up muna bago ang kanyang SONA

0
64

Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City sa bisperas ng kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpa-medical check up si Pangulong Duterte kagabi bago ang rehearsal nito para sa kanyang ikatlong SONA o ulat sa bayan.

Nanatili aniya sa nasabing ospital para sa routine examination ang Pangulo nang isa’t kalahating oras bago dumiretso ng Malacañang para sa kanyang rehearsal.

Sa kabila nito, tiniyak ni Roque na wala namang dapat ikabahala at nananatiling malusog si Pangulong Duterte.

—-