Bangsamoro Organic Law niratipikahan na ng Senado

0
58

Niratipikahan na ng Senado ang BBL o Bangsamoro Organic Law.

Inaasahang maipadadala ito ng Senado sa MalacaƱang upang maisabatas bago ang State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon.

Isinasaad sa BBL na kailangang magpatawag ng plebisito ang pamahalaan, syamnapu (90) hanggang isandaan at limampung (150) araw matapos itong malagdaan ng Pangulo.

Isasalang sa plebisito kung payag ang mamamayan ng 39 na barangay ng North Cotabato at anim na munisipalidad ng Lanao del Norte na mapasama sila sa masasakupan ng bagong Bangsamoro Autonomous Region.

(Ulat ni Cely Bueno)