Pangulong Duterte may paglilinaw tungkol sa pagbuwag ng Road Board

0
58

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali lamang ng interpretasyon si House Majority Leader Rolando Andaya Jr., hinggil sa kaniyang posisyon sa pagbuwag ng Road Board.

Ayon kay Pangulong Duterte, sang-ayon siya sa senado na dapat buwagin ang Road Board at ilipat na lamang sa Department of Public Works and Highways o DPWH ang pangangasiwa sa road users’ tax.

Samantala, aminado naman si Pangulong Duterte na kinausap niya sina House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Andaya ngunit hindi lamang sila nagkaunawaan dahil matagal na niyang nais buwagin ang Road Board dahil ginagawa lamang itong gatasan ng mga tiwaling opisyal.