Pangulong Duterte hindi dadalo sa turnover ng Balangiga Bells sa Eastern Samar

0
64

Hindi makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa turnover ceremony ng Balangiga Bells sa Balangiga, Eastern Samar sa Sabado.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi makadadalo ang punong ehekutibo dahil mayroong importanteng bagay siyang kailangang gampanan bilang pangulo ng bansa.

Ipinahayag din niya ang kagalakan ng pangulo sa pagbabalik ng mga makasaysayang kampana na mahigit isang siglong nanatili sa Estados Unidos.

Sa ngayon ay mas mahalaga sa pangulo na naibalik na ang mga Balangiga Bells sa kanilang orihinal na tahanan kaysa sa kanyang presensiya sa turnover ceremony.