Pangakong 5 minutong byahe mula QC hanggang Makati kalimutan muna — Panelo

0
30

Kalimutan muna”.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaugnay sa naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibababa sa limang minuto ang biyahe mula sa Quezon City hanggang Makati City ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon kay Panelo, aminado silang hindi kayang tuparin ang naging pangako sa ngayon at nasabi lang ito ng Pangulo sa pag-asang maaabot ang ilang kondisyon.

Gayunman, tiniyak naman ni Panelo na kahit hindi ito naipatupad ngayon ay kanila paring ireresobla ang problema sa trapiko sa Metro Manila.