Higit 4,000 pasahero stranded sa mga pantalan sa Bicol

0
15

Stranded ang mahigit 4,000 pasahero sa mga pantalan sa Bicol, matapos ikansela ang mga byahe dahil sa bagyong Ursula.

Ayon sa Philippine Coast Guard – Bicol, karamihan sa mga stranded na pasahero ay tutungo sana sa Visayas at Mindanao.

Samantala, aabot naman sa 1,059 na rolling cargo, 12 sea vessels at apat na motorbanca ang pinatigil bumyahe upang maiwasan ang anomang aksidente bunsod ng masamang panahon.