28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Panawagan na pagpapalaya kay De Lima ‘nonsense’ —Panelo

- Advertisement -

Hindi na papatulan pa ng palasyo ng Malacañang ang panibagong panawagan ng isang senador sa Estados Unidos na palayain na si Senator Leila de Lima.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na nila bibigyan pa ng pansin ang aniya’y “nonsense” o walang kwentang mga usapin.

Magugunitang, nito lamang Setyembre 21 nang muling hikayatin ni U.S. Senator Marco Rubio ang pamahalaan na palayain na ang senadora.

Ayon kay Rubio, panahon na upang makalaya si De Lima dahil mahigit dalawang (2) taon na itong nakakulong dahil sa aniya’y “bogus charges” na isinampa laban dito.

Matatandaang Abril ng taon na ito nang mag-isyu rin ng resolusyon ang limang (5) U.S. senators na kinabibilangan ni Rubio, kung saan ipinanawagan ng mga ito na palayain na si De Lima, at ibasura ang mga kasong isinampa laban kay Rappler CEO Maria Ressa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -