Friday, May 3, 2024

Gatchalian sa ‘Dormitorio hazing case’: Hazing is a criminal act

- Advertisement -

Hazing is a criminal act.

Ito ang binigyang diin ni Senador Sherwin Gatchalian matapos makumpirma na hazing ang ikinasawi ng isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si Darwin Dormitorio.

Ayon kay Gatchalian, matibay na at mayroon nang napakahigpit na batas na umiiral laban sa hazing o ang Anti-Hazing Law at wala nang kailangang pulungin pa hinggil dito.

Wala na tayong pupulungan pagdating sa batas, dahil meron na tayong napakahigpit na batas,” ani Gatchalian.

Batay aniya sa bagong pinatibay na batas ay makukulong at papatawan ng mabigat na kaparusahan ang sinumang gumawa ng hazing at mga tumulong upang mangyari ito.

Dahil dito aniya ay mapaparusahan din ang mga napatunayang gumawa ng hazing sa insidente sa PMA maging ang mga taong tumulong upang mangyari ito.

Marami aniyang mga kabataan noon na nangamatay dahil sa hazing ngunit hindi nakukulong ang mga gumawa.

Ang mga tao aniya sa likod ng ginawang hazing ni Dormitorio na naging dahilan din ng kanyang pagkamatay ang kauna-unahang haharap sa naturang bagong batas.

Maaari din aniyang managot ang mismong akademiya dahil nakasaad din sa naturang batas na dapat magkaroon ng hakbang ang bawat organisasyon upang mapigilan ang hazing.

‘Yung opisyal ng PMA, pwede po silang maging liable dahil nakasulat po sa batas na dapat ang organisasyon ay gumagawa ng hakbang para mapigilan ang hazing,” ani Gatchalian.

Magugunitang taong 2018 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11053 o ang batas na nag-aamiyenda sa Republic Act No. 8049 o ang Anti-Hazing and Regulation of Other Initiation Rites of Fraternities, Sororities and Other Organizations. — sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img