Pamamahagi ng SAP hanggang Abril 30 na lamang

    0
    16

    Pinamamadali na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng social amelioration program (SAP) habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).

    Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kanila na lamang bibigyan ang mga local government units (LGUs) ng hanggang Huwebes, Abril 30 upang ipamahagi ang P5,000 hanggang P8,000 ayuda sa 18-milyon low-income families na apektado ng lockdown.

    Nakarating kasi aniya sa pamunuan ng dilg ang ulat na may ilang pamilya parin ang hindi pa nakakatanggap ng SAP, gayung second wave na dapat ang ipinamimigay sa buwan ng Mayo.

    Iginiit naman ng kalihim na pananagutin ang mga LGUs oras na hindi nila sinunod ang memorandum of agreement na nilagdaan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).