Nagluluksa ngayon ang Department of Tourism (DOT) sa pagkamatay ni dating Tourisim Secretary Ramon Jimenez kahapon, Abril 27.
Sa ngalan ng mga opisyal at empleyado ng DOT, ipinabatid ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang kanilang pakikiramay sa pamilya ni dating Secretary Ramon Jimenez.
Magugunitang si Jimenez ang nasa likod ng slogan ng tourism ng bansa na “It’s More Fun in the Philippines” na ginawaran bilang isa sa mga bansang may pinakamagandang advertising film noong taong 2012.
Dahil dito, binigyang pagkilala ng DOT ang naging kontribusyon ni Jimenez sa ahensya.