Paligid ng Bonifacio Monument sarado na

0
62

Sarado na ang kalsada sa paligid ng monumento ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan City ngayong araw bilang paggunita sa kaniyang ika-isandaan at limampu’t limang kaarawan.

Alas dose uno pa lamang kaninang hatinggabi, isinara na ng pamahalaang lungsod ang bahagi ng Monumento Circle bilang paghahanda sa isinasagawang aktibidad ngayong umaga.

Dahil dito, pinayuhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Para sa mga papuntang Valenzuela, dumaan sa 10th Avenue o Rizal Avenue extension gayundin ang C3 Road papuntang B. Serrano at mag u-turn bago dumating sa General Tinio para sa mga light vehicles habang sa General Concepcion naman para sa malalaking sasakyan.

Para naman sa mga pupuntang Bulacan, maaaring dumaan sa Calle Cuatro palabas ng McArthur Highway habang ang mga sasakyan naman patungong malabon ay kakaliwa sa Barangay Potrero.

Para naman sa mga patungong Caloocan, maaaring kumaliwa sa Araneta Avenue at kumanan sa University of the East Caloocan.

Ang mga maliliit na sasakyan naman ay maaring kumanan sa New Abbey Road habang ang mga truck ay maaaring dumaan sa C4 Road at kumanan sa Dagat-Dagatan Avenue.