Palasyo nagpaabot ng pagbati sa 2019 bar exam passers

0
20

Nagbigay pugay ang Malakanyang sa lahat ng nakapasa sa 2019 bar exam.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, maituturing na “life changing moment” ang araw kahapon para sa mga bar passers.

Aniya, magsisilbi itong paalala sa mga bagong abogado na gamitin ang batas upang protektahan ang karapatan ng mga tao.

Kasabay ng hiling ng Malakanyang sa paghusay ng mga ito ay hinihikayat rin ni Roque ang pagkonsidera sa pagkuha ng career sa gobyerno.

Samantala, bilang law professor, pinapayuhan naman ni Roque ang mga hindi nakapasa na huwag panghinaan ng loob at maniwala lang sa kanilang nais na marating.