Palasyo inamin na bigo ang DOH na maabot ang target testing capacity

0
21

Inamin ng Palasyo na bigo ang Department of Health (DOH) na maabot ang target na 8,000 testing capacity kada araw simula Abril 30.

Subalit tiniyak muli ni Presidential Spokesman Harry Roque ang mahigpit na pagkilos ng gobyerno para mataasan ang testing capacity ng gobyerno kabilang ang pagtatalaga kay Secretary Vince Dizon bilang testing czar.

Sinabi ni Roque na sa ngayon ay mayruong 28 testing centers sa bansa kabilang na ang mega swabbing facilities kayat tina target na ng gobyerno ang 30,000 daily tests gamit ang PCR.

Bukod dito ipinabatid ni Roque na kumikilos na rin ang pribadong sektor sa pamamagitan ng project ark kung saan target na magamit ang isang milyong rapid test para sa kanilang mga empleyado at mga nakapaligid na negosyo.