Palasyo ‘di nababahala sa mabagal na paglago ng ekonomiya ng bansa

0
22

Hindi nababahala ang Malacañang sa mabagal na paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiwala siyang makakabawi pa rin ang Gross Domestic Product (GDP) ng gobyerno.

Ani Panelo, mayroong magagaling na economic managers ang Administrasyong Duterte.

Sa katunayan aniya, mismong ang mga economic manager ang nasabing walang dapat ipangamba sa makupad na paglago ng ekonomiya dahil kaya nilang iangat ang kalagayan ng bansa.