Pagtitiyak na walang gumagalang kabataan sa gitna ng banta ng COVID-19 iniatas sa PNP, Metro mayors

0
23

Inatasan na Department of Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) at Metro mayors na tiyaking walang makikitang bata sa mga pampublikong lugar.

Sa harap ito ng isang linggong suspensyon ng klase sa National Capital Region hanggang March 14.

Sinabi ni DILG secretary Eduardo Año na mahigpit ang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat gumagala ang mga bata sa matataong lugar sa panahon ng class suspension.