Pagsunod sa presyo ng bigas sa palengke ng Baguio City

0
28

Baguio City – Sinimulan nang magtinda ang mga tindero at tindero ng bigas sa pamilihang bayan ng lungsod ng Baguio sa halagang 45 piso kada kilo simula noong Martes, Septiyembre a 5 bilang pagsunod sa kautusan ng Pangulong Ferdinand “Bong Bong Marcos Jr. Ito ay ayon kay ginang Angie Gayados, Pangulo ng Baguio Rice Section Vendors Association.

Anya may bigas na makukuha sa halagang 40 hangang 45 pisos kada kilo. Sinabi ni Ginang Gayados, ito ay pagsunod sa ipinalabas na Executive order 39 ng Pangulo. Ito rin ay sinigundahan ni Binibining Carla Noble ng DTI consumer protection division na ang mga rice retailers sa City public market ay sumunod sa kautusan.

Anya may mga manininda ng regular at milled rice na nagbebenta naaayon sa price cap na inutos ng Pangulo.

Samantala, si Nicolas Jun Medrano, Presidente iti Grain Retailer Confederation of the Phillipines- Baguio Benguet, sinabi niya sa isang panayam, kahit na mataas ang kuha nila sa dati nilang stock, sinabi niya na dapat lang silang magcomply.

Anya, mahirap suwayin ang Pangulo at umaasa na lamang sila na mabebenta nila ang dati nilang stocks nabili nila sa mataas na halaga at kung dumating ang mga bagong stock na nagmumula pa sa Isabela at Pangasinan, maari nila itong ibenta sa 45 pesos kada kilo.

Ang mga mamimili ng bigas na nagnanais bumili ay bibigyan lamang ng hangang limang kilo. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe |Baguio City PIO, photo courtesy of Baguio city Public Information)

Leave a Reply