Pagsasala sa mga pulis na sangkot sa illegal drugs, aarangkada na ngayong araw

Pagsasala sa mga pulis na sangkot sa illegal drugs, aarangkada na ngayong araw

by Powered by DWIZ
32 views

Hindi na bibigyan pa ng pagkakataon ng Philippine National Police (PNP) ang humigit kumulang 300 mga pulis na sangkot sa illegal drug trade.

Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa ay dahil sa natapos na kahapon ang iginawad niyang deadline para sa mga ito na mag-optional retirement.

Ayon kay Gamboa, aarangkada na ngayong araw ang kanilang adjudication at validation process sa mga narco-police sa Regional level at mayroon itong 2 hanggang 3 linggo bago naman isumite sa national level.

Bagama’t isang buwan ang ibinigay na palugit ni Gamboa para tapusin ang pagsasala sa listahan, sinabi nito na bukas pa rin siyanh mapalawig ito ng hanggang 10 araw.

Mula sa kabuuang 357 na mga pulis na idinadawit sa illegal drug trade, nasa 15 na ang kumuha ng early retirement habang ang nasa 43 naman ang idineklarang AWOL matapos ‘di sumipot sa ikinasa nilang surprise drug test.

0 comment

Related Posts