Pagsasa-ayos ng mga pasilidad na gagawing quarantine centers minamadali na

0
18

Minamadali na ng pamahalaan ang pagsasa-ayos sa mga napiling pasilidad para gawing quarantine centers.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), inaasahan nilang magagamit na sa loob ng linggong ito ang Rizal Memorial Coliseum.

Samantala, target naman nilang matapos ang pagsasa-ayos sa PICC at World Trade Center sa susunod na 10 araw.

Tinatayang nas 630 persons under investigation (PUIs) ang kayang i-accomodate sa PICC pa lamang.

Layon ng hakbang na mailipat sa tatlong pasilidad ang mga PUIs upang ma-decongest ang mga ospital.

Samantala, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na mananatili naman sa mga ospital ang mga positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) lalo na ang mga nagpapakita ng malalang sintomas.