Friday, May 17, 2024

Pagpupulong para solusyonan ang usapin sa double plates sa mga motorsiklo itinakda na

- Advertisement -

Itinakda na bukas ang pagpupulong ng senado at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno hinggil sa umiinit na usapin at tumitinding reklamo sa batas ukol sa double-plate sa motorsiklo.

Ito’y minabuti ni Senador JV Ejercito bilang vice chairman on committee on public services upang masolusyonan ang kaliwa’t kanang pagtutol ukol dito.

Ipinatawag din ng senador para bukas ang mga opisyal ng Land Transportation Office o LTO, Highway Patrol Group at mga rider group.

Giit ni Ejercito, mahalagang maipaliwanag sa riders group at mga kinauukulang ahensya ang nilalaman at adhikain ng naturang batas dahil nakatakda na ring balangkasin ang implementing rules and regulations ng bagong batas.

Samantala, layunin ng naturang batas na magkaroon ng mas malaking plaka ang mga motorsiklo para mapigilan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga riding in tandem.

(with report from Cely Ortega- Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -