Pagkakaroon ng isang tanggapan na mangangasiwa sa sistema ng water supply iminungkahi

0
48

Panahon na para magkaroon ng isang tanggapan ng gobyerno na mangangasiwa ng lahat ng mga plano at proyekto para sa water supply.

Ito’y ayon kay Senador Sherwin Gatchalian sa gitna ng nararanasang water crisis sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal.

Pangunahing responsibilidad kasi anya ng mga water companies sa kasalukuyang sistema ang water supply para sa publiko.

Sila rin anya ang naghahanap at nagbabayad para sa sariling suplay ng tubig.

Paliwanag ng senador, humahantong ang ganitong klase ng sistema sa magulo at hindi magkakatugmang plano at proyekto para sa limitadong pinagkukunan ng tubig.

Samantala, handa naman anya siya na suportahan ang ginagawang executive order ng Palasyo kung ang layunin nito ay mapabuti ang sistema sa suplay ng tubig.

(with report from Cely Ortega- Bueno)