Pagpatay sa kay Ex-Batangas Rep. Mendoza kinundena ng Malacañang

0
23

Kinundena ng Malacañang ang pagpatay at pagsunog pa sa labi ni dating Batangas Congressman Edgar Mendoza.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mahaharap sa mabigat na parusa, sinuman ang nasa likod ng  barbarismong papatay kay Mendoza.

Kasabay ng pagtiyak ng hustisya ay nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya Mendoza.