35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pagkamatay ng isang Pinay household worker sa Saudi Arabia iniimbestigahan na

- Advertisement -

Iniimbestigahan na ng DFA o Department of Foreign Affairs ang pagkamatay ng isang Pinay household worker sa Saudi Arabia.

Ito’y makaraang makarating sa DFA ang ulat na natagpuan umano ang bangkay ng nasabing Pinay sa loob ng isang hotel room sa Jeddah may tatlong araw na ang nakalilipas.

Batay sa ulat ng konsulada ng Pilipinas sa Jeddah, nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad duon upang malaman ang sanhi ng hindi pa pinangalanang Pinay dahil hindi pa naipaaalam sa ka-anak nito sa pilipinas ang nangyari.

Subalit batay sa paunang impormasyon na ibinigay ng embahada, dalaga pa ang biktima na tinatayang nasa limampu’t dalawang taong gulang at sinasabing unang nagtungo doon noong 2007.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -