29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Babaeng itinakdang ikasal binaril patay sa Koronadal City

- Advertisement -

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Koronadal City PNP sa nangyaring pamamaril patay kay April Joy Yap Jaballa, 22 anyos residente ng Prk. Katipunan Brgy. GPS lungsod ng Koronadal.

Sa isang ekslusibong panayam sa Barangay Captain ng GPS na Margarita Subaldo, labis itong nagulat at nalungkot sa nangyari sa biktima na residente ng kaniyang barangay na nasasakupan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, galing sa bahay ang biktima at susunduin sana ang nobyo nito ngunit nang makarating sa madilim na bahagi ng lugar ay pinagbabaril ito ng pinaniniwalaang riding in tandem. Nagtamo ng tatlong mga tama ng bala sa likod ang biktima kung saan sinubukan pa itong isalba ng isang construction worker na unang rumesponde sa insidente at dinala sa bahay pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival.

Labis naman ang kalungkutan ng pamilya ng biktima dahil sa sinapit nito. Dalawa ang anggulong tinitingnan ng PNP kung saan isa dito ay ang motornapping matapos mapag-alaman na nawawala ang motorsiklo nito at personal na away dahil sinigurong patay ang biktima. Malaki din ang posibilidad na kakilala ng biktima ang mga salarin. Hustisya ngayon ang panawagan ng mga naiwang kaanak ng biktima. Samantala, napag-alaman na dating Purok president ang ama nito na kakamatay lang din dahil sa sakit. Nakatakda sanang ikasal ang biktima sa kanyang nobyo ngunit ito ay di na matutuloy pa matapos ang krimen.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -