Pagkakawalang-sala sa kasong murder ikinalugaod ni Bantag

0
24

Ikinalugod ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag ang kanyang pagkakawalang-sala sa kaso hinggil sa madugong pagsabog sa Parañaque City noong 2016.

Ayon kay Bantag, kanyang pinasasalamatan ang Panginoon sa ibinibigay sa kanyang suporta at patnubay matapos ang naging pasiya ng hukuman.

Sa ipinalabas na desisyon ng Parañaque Regional Trial Court, kahapon, ika-8 ng Enero, kanilang inabsuwelto sa kasong homicide si Bantag at dalawang pang jail guard ng Parañaque City Jail.

Kaugnay ito ng pagkamatay ng 10 inmates bunsod ng pamamaril at pagsabog sa loob ng tanggapan ni Bantag nang siya ay jail warden pa ng Parañaque City Jail noong Agosto ng 2016.

Ayon sa Parañaque Regional Trial Court, nabigo ang prosekusyon na patunayang nagtulungan ang mga akusado para patayin ang 10 inmates.