Baguio: Pagkakaisa ng mga barangays sa lungsod ng Baguio nang pagkaroon ng regional autonomy, sinuportahan ng mga punong barangays

0
7
photo courtesy of PIA-CAR

Baguio City – Napahayag ng suporta ang mga punong barangay ng 128 barangays dito sa lungsod ng Baguio sa pagkakaroon ng regional autonomy at pag unlad sa pamamagitan ng pagtunog ng Cordillera Unity Gong sa Baguio Convention and Cultural Center on noong nakaraang Biernes.

Sinabi ni Regional Development Council – Cordillera (RDC-CAR) Autonomy Speakers Bureau member at Konsehal Vladimir Cayabas ang nais na matamo ng rehion ukol sa regional autonomy, lalo na kung magbibigay ito ng benepisyo sa taga Cordillera hangang sa barangay level at ng mga mamamayan nito.

Sa buwan ng Hulyo, nagdiririwang ang Cordillera is ng ika-37th taong bilang isang administrative region, at ang Unity Gong ay isang taunang kaganapan upang ipagdiwang upang makatawag pansin ng garantiya at suporta sa bawat probinsiya, lungsod at munisipyo sa pagnanais ng Cordillera na matamo nito ang regional autonomy, naaayon sa 1987 Philippine Constitution.

Ang pagdiriwang ng buwang ng Cordillera ay sa pangunguna ng RDC-CAR Development Administration and Good Governance sectoral committee sa pamumuno ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong at ng probinsiya ng Abra sa pangunguna ni Governor Dominic Valera.

Ang pagtunog ng Unity Gong ay gunaganap sa bawat probinsiya at lungsod sa rehion bago ang pagdiriwang ng Araw ng Cordillera Day sa darating na Hulyo a 15 sa Bangued, Abra na kung saan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang imbitadong pangunahing bisitang pangdangal at tagapagsalita. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply