Paghihigpit sa timbang ng mga pulis bahagi ng pagsasaayos sa hanay ng PNP —spox

0
19

Maituturing na bahagi ng pagsasaayos sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ang paghihigpit sa timbang ng mga pulis.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, layon din ng hakbang na ito ang mapanatili ang magandang pangangatawan at kalusugan ng mga pulis para sa mas mabilis na pagtugon at pagresponde sa pangangailangan ng mamamayan.

Kailangang mapanatili nating physically fit ang mga pulis para mabilis makatugon at makaresponde sa pangangailangan ng ating mamamayan,” ani Banac.

Nilinaw rin ni Banac na hindi makapag-eenroll sa schooling para sa partikular na posisyon at promotion ang PNP personnel na bigong makasunod sa itinalagang body mass index (BMI).

Bawal na pong mag-enroll ng schooling kaya hindi rin sila mapo-promote, so, alam naman natin na kapag panahon na ng promotion ay kailangan macomply mo ‘yung mga schooling requirements,” ani Banac. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas