Wednesday, May 8, 2024

Pagdagsa Ng Mga Galing Sa NCR At Apat Pang Lalawigan Na Nasa Ilalim Ng Enhanced Community Quarantine, Inaasahan Na Sa Del Gallego Border

- Advertisement -

Inaasahan na nina Renee Abiada ang chief ng Naga City Forward Control Point na nasa Del Gallego border ang pagdagsa ng mas maraming bilang ng mga Bicolano na galing sa National Capital Region at sa apat pang lalawigan tulad ng Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna.

Ang mga lugar kasing iyo ay nasa ilalim na ng Enhanced Community Quarantine mula sa araw na ito at hanggang sa Abril 4 sa pagtatapos ng holy week ngayong taon.

Sa panayam ng kay Abiada, sinabi nito na tiyak na maraming magtatangkang lumusot patungo o pauwi dito sa Naga City na galing sa mga lugar na nabanggit kaya mas naging alerto sila simula pa kagabi.

Batay sa pahayag ng opisyal, mas maraming papasok sa Camarines Sur pagsapit ng alas onse ng gabi hanggang alas kuwatro ng madaling araw.

May mga nakikipagmatigasan pa sa kanila, subalit napapakiusapaan namang sumunod sa tamang protocol ay mag presinta ng mga tamang dokumento para makauwi dito sa Naga City.

(Source: LGU Naga City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img