Pagbubukas ng COVID-19 testing facility ng Marikina City walang pahintulot mula sa DOH —Vergeire

0
22

Hindi pa rin maaring pahintulutan ng Department of Health (DOH) ang pagbubukas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing laboratory ng Marikina City.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posible kasing magdala pa ng panganib sa publiko kung lilisensyahan ng DOH ang laboratoryong itinayo ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Marikina.

Ayon kay Vergeire, marami pa kasing kakulangan ang nasabing laboratoryo at hindi rin ito akma sa biosafety standards na sinusunod ng mga laboratoryo sa bansa.

Sinabi ni Vergeire, hindi kasi maaring ipilit ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Marikina na buksan ang nabanggit na laboratoryo.

Una rito, sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na nasa stage 3 na sila ng stage 5 na accreditation process para sa pagbubukas ng kanilang COVID-19 laboratory.