Pagbili ng PNP ng karagdagang body cameras posibleng maantala

0
49

Posibleng maantala ang nakatakdang pagbili ng Philippine National Police (PNP) ng mga karagdang body cameras.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana, ito ay dahil sa mga pagbabagong magaganap sa mga bibilhing body cameras.

Paliwanag ni Durana, mas mataas na kalidad ng body cameras ang nakatakda nilang bilhin kung saan mayroon itong built-in na LTE at 5G internet.

Hindi rin aniya basta-basta ang pagbili dahil napakaraming bidders para rito, kaya sa halip na mapadali ay bahagya itong matatagalan.

Matatandaang, aabot sa P235 million ang inaprubahang pondo para sa pagbili ng mga body cameras na may layong gawing ‘transparent’ ang mga drug operation ng pulisya.