Pagbibitiw ng ilang opisyal ng LP hindi tinanggap ni VP Robredo

0
56

Hindi tinanggap ni Vice President at Liberal Party (LP) chairperson Leni Robredo ang pagbibitiw nina Senador Kiko Pangilinan at Cong. Kit Belmonte bilang mga opisyal ng partido.

Ayon kay Atty. Barry Gutierez, nais ni Robredo na  sama-sama pa rin silang ayusin ang marami pang bagay na dapat baguhin at ipatupad sa loob ng liberal party.

Matatandaan na nagbitiw bilang pangulo ng LP si Pangilinan at bilang secretary general naman si Cong. Belmonte.

Inako nina Pangilinan at Belmonte ang responsibilidad sa pagkakatalo ng Otso Diretso sa senatorial elections.

Maliban kay senador Bam Aquino na nasa pang-14 na puwesto at dating secretary Mar Roxas sa 16 na puwesto, ang iba pang kandidato ng LP ay nasa pang-21 pababa.