Pagbibigay ng fuel subsidy sa mga pampublikong sasakyan balak palawigin ng DOE

0
48

Nanawagan ang DOE o Department of Energy sa publiko lalo na ang mga motorista na magtipid sa pagkonsumo ng gasoline.

Iyan ang inihayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi dahil sa malaking bahagi ng ginagamit na petrolyo sa bansa ay ina-angkat lamang mula sa ibayong dagat.

Ayon kay Cusi, ito ang dahilan kaya’t aminado siyang hindi nila kontrolado ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa world market.

Kasunod nito, sinabi ni Cusi na pinag-aaralan din nila ang pag-aangkat ng mas murang petrolyo mula sa mga karatig bansa ng Pilipinas tulad ng Malaysia, Thailand at iba pa.

Samantala, pinag-aaralan din aniya ng kagawaran ang pagpapalawig sa ipinamamahaging fuel discount sa mga pampublikong sasakyan.

Bilang tugon na rin ito aniya sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na ngayo’y nasa ika-9 na linggo na sa kasalukuyan.