Pagbabawas ng konsumo ng langis dahil sa tensiyon sa gitnang Silangan ipinanawagan

0
16

Dapat na humanap ang pamahalaan para sa pang matagalang solusyon sa pagbawas ng konsumo ng langis.

Ito ang muling iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Energy hinggil sa posibleng maging epekto sa bansa ng umiiral na tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon sa senador, dapat na mayroong alternatibong solusyon ang Dept. of Energy (DOE) para hindi maparalisa ang bansa, lalo na’t nasa 70 hanggang 80% ng suplay ng langis ang kinukuha sa Middle East.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Gatchalian na mahalagang makapag hanap ang DOE ng alterntibong pagkukunan ng suplay ng langis lalo na’t isa ito sa mga pangunahing kailangan ng bansa.