Pagbaba na naitala sa kaso ng COVID-19 magandang senyales

0
16

Itinuturing na magandang senyales ng pamahalaan ang bahagyang pagbaba ng naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, kahapon.

Ito ayon kay COVID-19 Response Chief Implementor Carlito Galvez matapos na maitala ang 322 panibagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ni Galvez, ‘di hamak na mas mababa ito kumpara sa naitalang 538 kaso noon lamang Marso 31.

Gayunman, aminado naman si Galvez na posible pang dumami ang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil bukod sa dumami na ang testing kits ay nadagdagan din ang bilang ng mga ospital na maaring gumawa ng pagsusuri.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) nasa 2,633 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan nasa 107 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.