Pag recruit sa 10K pulis ng PNP aprubado na ng NAPOLCOM

0
23

Aprubado na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pag recruit sa mahigit 10,000 pulis sa puwersa ng PNP.

Layon ng resolusyon na maresolba ang insurgency problem at masuportahan ang personal build up programs.

Sinabi ni Atty Rogelio Casurao, Vice Chairman at Executive Officer ng NAPOLCOM, kinakailangang makapag recruit ng PNP ng halos 8,000 law enforcers para sa PNP Mobile Forces sa 17 police regional offices.

Magkakaruon din aniya ng recruitment ng mahigit 2,000 pulis para sa National Support Units sa iba pang opisina ng PNP.