28.1 C
Manila
Tuesday, December 5, 2023

Pag-aari ng Siudad ng Baguio na Topinao Property naayos na para sa pagpaparehistro

- Advertisement -

Nakompleto na ng Lungsod ng Baguio ang mga papeles para sa pagpaparehistro ng pag-aari ng lungsod na ang tawag ay Topinao Property.

Naisumite na ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Baguio ang kompletong papeles sa Registry of Deeds na kinakailangan upang maiparehistro at ilipat ang titulo ng lupa sa ilalim ng lungsod ng Baguio. Ang ari-arian ay nabili ng lungsod sa Sitio Poblacion, Topinao,Tuba, Benguet.

Sinabi ni City Legal Officer Althea Alberto na mismong siya ang nagbigay sa Registry of Deeds ng probinsiya ng Benguet ng kompletong papeles na una ng hiniling ng lokal na gobyerno upang mairehistro at mailipat ang titulo ng nasabing ari-arian, ang Topinao sa ilalim ng pamahalaan ng Baguio noong Oktubre a 11 ng taong ito.  Kanyang ipinaliwanag na ang lokal na gobyerno ng lungsod ng Baguio ay unti-unting isinumite ang mga kailangan para sa pagrerehistro at paglipat ng titulo sa Registry of Deeds ng probinsiya ng Benguet noong nakaraang Septyembre ng taong ito.

Bilang karagdagan, nabanggit din ng City Legal Officer na nagbayad na rin siya ng kinakailangang  registration fees, maliban sa paglilipat, ng documentary at ng iba pang mga buwis sa Kagawaran ng Rentas Internal o Bureau of Internal Revenue.

Nabili ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Baguio ang naturang ari-arian sa halagang P120,000,000.00 sa Sitio Topinao Barangay Poblacion, Tuba, Benguet.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -