P53-M jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 solong napanalunan

0
56

Solong napalalunan ang mahigit 53 milyong pisong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola kagabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, tinamaan ang winning number combination na 34 – 09 – 28 – 24 – 19 at 42.

Samantala, inaasahan namang mahihigitan ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes ang pinakamalaking jackpot prize noong 2010 na nasa 741 million pesos.

Hindi tinamaan noong martes ang winning combination na pumalo sa 734 million pesos.

—-