P1.2-M shabu nasabat sa buy bust operation sa Sta. Ana, Maynila

0
16

Aabot sa P1.2-M na halaga ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Sta. Ana, Maynila.

Batay sa ulat ng pulisya, nasa siyam na indibidwal ang naaresto ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust ng Sta. Ana Police Station 6 at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Biyernes.

Ayon kay NCRPO Chief Police Maj, Fen. Debold Sinas, nakumpiska ng mga otoridad ang walong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang kalibre 22 na baril.