OWWA handang ipatupad ang repatriation ng mga OFWs sa Middle East

0
14

Handa ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ipatupad ang mass repatriation ng mga Pilipino sa Middle East.

Ito ay bunsod ng namumuong tensyon sa pagitan ng bansang Iran at Amerika.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, hindi imposible ang pagpapatupad ng mass repatriation dahil nagawa na ito dati.

Gayunman, sinabi rin ni Cacdac na wala pa silang natatanggap na tawag mula sa mga Pilipino o Overseas Filipin Workers (OFWs) sa Iraq at Iran na nais umuwi ng bansa.

Samantala, inaabisuhan naman ng OWWA ang mga Pilipino na nasa Middle East na makipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya sa bansa.